top of page

Dystopian Lullabies

Paul Eric Roca

September 6 - 27, 2025

Video
Press Release

DYSTOPIAN LULLABIES:
Mga Guhit mula sa Librong Marka Demonyo

Tila ugoy ng duyan ang sunod-sunod na paglilinya ng mga dibuho ni Paul Eric Roca sa Dystopian Lullabies. Ngunit imbis na ihatid tayo sa pananaginip ay dinadala tayo nito sa huling hantungan. Ang kanyang mga ilustrasyon at pintang inilapat gamit ang payak na itim at puti, ay lulan ng mga dalamhati – lingid sa paningin ang bigat ng mga tunay nitong kulay. Habang ang mga linya’t hagod ay mistulang paalala ng paulit-ulit na pighati.

Pagkitil ang buod sa tanghalan ng mga biswal na ideya ni Roca, ngunit tulad ng maraming balintuna, kumikibot ang buhay ng budhi sa bawat piraso ng obra.

Bawat pagmamarka ay ukit sa damdamin, at bawat imahen ay pagpapakita sa itsura ng halang na sikmura at pag-iral nang balisa. Matingkad ang mga ito sa paggamit ni Roca ng mga bahagi ng katawan, tulad ng mata, ngipin, puso, bungo at iba pa, na kanyang isinaliw sa talim ng tinik, pangil, kutsilyo, at karit. Sa pagitan ng lambot at talas, naroon ang kirot ng laman, sa wangis ng mga bukol at uka-ukang balat na bakas ng panloob na pagkabulok. Sa ganitong lagay, ang mga likha ni Roca ay hindi lamang pagninilay sa landas ng kamatayan,
kundi isang hele ng panambitan hinggil sa kung paanong unti-unting nilalapa ng sarili nitong aswang ang ating lipunan.

Ang mga ilustrasyong hango sa aklat na Marka Demonyo, gayundin sa kaniyang mga pintang Of Red Tape and Duct Tape at Litany of Lamentations, ay pagluhod at pagdarasal ng mga obra ni Roca hindi lamang sa Diyos ng Kamatayan, kundi maging sa Diyos ng mga Suwail at Ligaw. Ang mga ito ay panalanging hindi humihingi ng kaligtasan kundi pagsusumamo sa kaharian ng ating kolektibong bangungot.

-Janine Go Dimaranan

Paul Eric Roca

Paul Eric Roca is a Filipino illustrator and painter with training in both Architecture (Enverga University) and Fine Arts (University of the Philippines). He has illustrated children’s books and educational materials, and worked as an editorial illustrator for The Straits Times for nearly eight years before joining Manila Bulletin. Roca’s solo exhibits—such as Interlude of Indifference and Creatures of Apathy—feature surreal, socially conscious works that reflect his concerns about apathy, identity, and political decay. e has been a semifinalist in the Metrobank Art and Design Excellence Competition and the PLD-DPC 23rd Visual Arts Competition, with works featured in the Ateneo Art Gallery and Art Cube Gallery. His recent exhibition Dystopian Lullabies (Art Cube, 2025) presented black-and-white illustrations and paintings filled with symbolic imagery—eyes, teeth, skulls, and thorn-like objects—reflecting decay, inner turmoil, and collective nightmares. Blending human anatomy with metaphoric textures, Roca’s practice blurs the personal and the political, expressing grief, protest, and reflection on the state of humanity.

16.png

VISIT US

Unit 104 G/F Building 3, OPVI Centre, 2295 Chino Roces Ave, Makati City,
Metro Manila

OPENING HOURS

CONTACT

Tuesday to Saturday

10:00AM-6:00PM

artcubewhite.png

© 2020 ART CUBE GALLERY. ALL RIGHTS RESERVED.

  • Facebook
  • Instagram
bottom of page